-- Advertisements --
Naitabla sa 1-1 ng Creamline Cool Smashers ang best of three PVL All-Filipino Conference finals nila ng Petro Gazz Angels.
Nangibabaw kasi ang Smashers sa Game 2 ng makuha nila ang 18-25, 25-16, 25-18, 23-25, 15-6 na panalo.
Bumida sa panalo si Michele Gumabao na nagtala ng 21 points habang mayroong 20 points at 22 receptions si Tots Carlos.
Gaganapin ang Game 3 finals sa Marso 30 sa Mall of Asia Arena.