-- Advertisements --

DAGUPAN CITY – Tinambangan ng hindi pa nakikilalang mga suspek ang convoy ng pamilya ng dating Pangasinan Rep. Amado Espino Jr. sa lungsod ng San Carlos nitong hapon lamang.

Sa inisyal na ulat na nakalap ng Bombo Radyo Dagupan, sakay ng naturang convoy si Espino na sinasabing nagawa pang maitakbo sa pagamutan ng driver nito.

█ DATING CONG. AMADO ESPINO JR., INAMBUSH
█ PNP San Carlos, nilinaw na isa palamang ang patay sa mga bodyguard ni dating Cong. Espino
█ Dating Pangasinan Governor Amado Espino Jr., nasa stable ng kalagayan matapos i-ambush ang convoy nito

Samantala, sa natanggap namang impormasyon ni Sen. Richard Gordon, binawian umano ng buhay ang isang bodyguard ni Espino.

Wala rin umanong back-up ang Toyota Inova van na sinakyan ng mga biktima.

Tadtad ng bala ang sasakyan ni Espino simula harap at likod, at tumagal umano ng halos 10 minuto ang putukan.

Isang retired na police general at graduate ng Philippine Military Academy ang inambush na dating kongresista.

Kung maaalala, idinawit noon ni Pangulong Rodrigo Duterte si Espino sa issue ng illegal drugs pero binawi rin nito.

Nitong nakaraang halalan nang tumakbo pa ito ngunit natalo rin.