-- Advertisements --
Tinamaan ng missile ng Israel ang convoy ng mga media sa bayan ng Yaroun, Lebanon.
Ayon sa Lebanese state-run news Agency na walang nasaktan sa nasabing insidente.
Ang mga mamamahayag sa convoy ay nag-uulat sa mga palitan ng putok sa border ng Israeli military at Lebanese militia na Hezbollah.
Ilang mga sasakyan ang nawasak dahil sa nasabing insidente.
Dahil sa insidente ay pinayuhan ng mga otoridad sa nasabing lugar na lumikas na at iwasan ang lugar para hindi na madamy sa kaguluhan.
Magugunitang noong nakaraang buwan ay nasawi ang isang cameraman at marami ang nasugatan ng tamaan din ang media convoy sa southern Lebanon.