Nakahanda na raw ang Commission on Elections (Comelec) para resolbahin ang ano mang technical problems na posibleng maranasan sa May 9 elections.
Ayon kay Commissioner Marlon Casquejo, nagpasa raw ang mga ito ng contingency resolution noon pang buwan ng Pebrero.
Isinama na raw dito ang training para sa kanilang mga electoral boards.
Kung may mangyari daw na aberya ang mayroon daw itong tinatawag na Comelec Election Monitoring Action Center at National Technical Support.
Kasama pa raw dito ang mga technical support staff na sumalang sa training para sa troubleshooting ng sistema at ang gagamiting vote counting machines (VCM).
Isa pa sa mga measures ay ang deployment ng contingency VCMs kung mayroon mang magiging aberya sa automates election sysytem (AES).