-- Advertisements --

CEBU CITY- Amindap ang Department of Health (DOH) Region VII na hindi madali o challenging ang contact tracing sa mga posibling nahawaan ng 60-anyos na Chinese national na ikatlong novel coronavirus acute respiratory disease (2019 nCoV-ARD) patient sa bansa.

Ito ay matapos na kinumpirma ng kagawaran na galing sa Cebu at Bohol ang naturang Chinese national bago makalabas ng Pilipinas

Ayon kay Dr. Jaime Bernadas, nangangailangan ng “exhaustive identification” sa kung sino ang maaring na-expose at may physical contact ikatlong kaso ng 2019 nCoV-ARD sa bansa.

Wala umanong ibang choice ngayon ang DOH kundi ang balikan ang mga record ng nasabing pasyente.

Muli namang pina-aalahanan ni Bernadas ang publiko na kailangang boluntaryong komunsulta sa doktor kung may mga nararamdamang sintomas ng sakit.