-- Advertisements --

DAVAO CITY – Patay ang isang construction worker matapos magbigti sa loob ng Southern Philippine Medical Center(SPMC) sa Davao City.

Kinilala ang biktima na si Primitivo Daulong Jr, 40 taong gulang at nakatira sa St. Jude Buhangin sa lungsod.

Batay sa report bandang alas-3:30 ng madaling araw nagulat na lamang ang isang watcher nang makita si Daulong na wala nang buhay at nakalambitin sa gate gamit ang pinunit na mga tela.

Si Daulong ay kasalukuyang naka-confine sa isolation room ng Communicable Pavillom 1 ng SPMC hospital matapos ma-diagnosed ng rabies encephalopathy.

Kinumpirma naman ng on-duty nurse na palagi na lamang itong nagwawala at bayolente.

Ang mga nararanasan ng biktima ay senyales umano ng late stage rabies disease na nakukuha mula sa kagat ng aso.

Dagdag pa ng nurse na palaging sinisigaw ng biktima na gusto na nitong magpakamatay.

Dahil nakakahawa umano ang rabies disease pansamantala munang inilagay sa isang isolation room ng ospital ang labi ng biktima.