Inihayag ng isang eksperto pagdating sa saligang batas na ang patuloy na isyu sa pagitan ng House of Representatives at ng Senado ay posible umanong magbunga ng ‘constitutional crisis’ sa bansa.
Kung saan sinabi mismo ng abogadong si Atty. Jennifer Arlene Reyes, isang Constitutional Law Professor, na ito’y maaring mangyari sakaling hindi maresolba ang pagproseso sa impeachment trial kontra kay Vice President Sara Duterte.
Ayon kasi sa kanya na hindi maitatangging ito’y mangyari sapagkat ang standoff sa pagitan ng dalawang kapulungan ng kongreso ay makakaapekto sa kanilang pagsasagawa ng paglilitis sa kaso ng ikalawang pangulo.
Dagdag pa niya’y, makaka-delay din umano ito sa proceedings ng senate impeachment court dahil sa pag-aantay pa maging sa pagtatapos ng kasalukuyang kongreso sa pagpasok ng 20th congress.
Kaya’t dahil dito, kanyang binitawan ang isang apela sa mga nakaupong senator judges at mga opisyal ng gobyerno na isantabi ang kanikanilang mga personal na interes lalo na sa pulitika.
Panawagan niya dapat gawing prayoridad ang pagsisilbi sa mga Pilipino at respetuhin o kilalanin ang kung ano nakasaad at sinasabi ng saligang baatas hinggil sa isyu ng impeachment.
Bunsod kanyang mariing paalala sa mga nakaupong hukom ng impeachment court na ang proceedings ng impeachment trial ay hindi maaring maantala pa.
Aniya’y ito ang nakasaad at naayon sa Saligang Batas o 1987 Constitution na dapat sinusunod, kinikilala at nirerespeto lalo na ng mga nakaupong opisyal ng gobyerno.