-- Advertisements --

Inaresto ng mga kapulisan sa Dublin, Ireland si dating UFC two-weight champion Conor McGregor dahil sa traffic violations.

Ayon sa tagagsalita ng 33-anyos na si McGregor na patungo sana ito ng gym ng parahin siya ng Irish police force dahil sa road traffic violations.

Nagnegatibo naman ito sa drug at alcohol test habang kinumpiska ang kanilang sasakyan.

Kahit na nakapagpiyansa n ito ay inatasan pa rin siyang magpakita sa korte sa susunod na buwan para sa pagdinig ng kaniyang kaso.

Magugunitang noong Hulyo 2021 ay nabigo ang Irish fighter kay Dustin Poirier na nagdulot ng kaniyang matinding injury sa kaniyang paa.