-- Advertisements --

Inihain ng isang mambabatas ang isang panukalang batas para sa pagbibigay ng conditional cash aid para sa mga kwalipikadong magsasaka ng palay.

Ang naturang panukala na tinawag na “Pantawid Magsasakang Pilipino Act” na akda ni Senator Ramon “Bong” Revilla Jr na layong mabawasan ang kahirapan sa mga kanayunan at matiyak ang seguridad at sapat na pagkain sa ating bansa.

Sa ilalim ng panukalang ito, ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay inaatasan na tukuyin ang mga benepisyaryo ng programa sa pamamagitan ng pagkonsulta sa Department of Agriculture at Department of Agrarian Reform.

Ang pondo na gugugulin para sa pamamahagi ng cash aid sa rice farmers ay huhugutin mula sa taunang tariff revenues mula sa mga inaangkat na bigas na nasa P10 billion depende sa bilang ng mga eligible beneficiaries at sa administrative at financial cost ng pagbibigay ng naturang cash aid.

Nakasaad din sa panukalang batas na inaatasan din ang DSWD na lumikha ng short-term intervention para mabigyan ng temporaryong trabaho para sa mga rice farmers para ,abigyan ng karagdagang income ang mga kwalipikadong pamilya.

Ayon sa Senador, alinsunod ang panukalang batas sa Republic Act No. 11598 o ang Cash Assistance for Filipino Farmers Act kung saan minamandato ang DA na magbigay ng P5,000 halaga ng conditional cash grants para sa rice land farmers na mayroong 2 ektarya pababa na sinasaka.