-- Advertisements --

sona1

Ang ilalatag na seguridad ang naging sentro ng pakikipagdiyalogo ng pamunuan ng Quezon City Police District (QCPD)-National Capital Region Police Office (NCRPO) sa mga community leaders/stakeholders..

Ito’y para sa huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte kasabay ng pagbubukas ng 2nd regular session ng 18th Congress sa darating na July 26.

Layon ng nasabing pulong ay para matiyak ang kapayapaan at kaayusan sa nalalapit na SONA.

Kabilang sa mga tinalakay ay ang guidelines ng Inter Agency Task Force protocols, gayundin ang security plan ng PNP (Philippine National Police) kabilang ang traffic management, at iba pang measures.

Ayon kay QCPD director B/Gen.Antonio Yara, mahalaga na makipag-ugnayan sa mga community leaders at stakeholders para maging maayos at mapayapa ang SONA 2021.

sona2

Dumalo sa pulong ang ilang opisyal ng Armed Forces of the Philippines sa pamumuno ni Lt Col. Eugene Paul Arbues at PNP sa pangunguna ni B/Gen. Yarra ng QCPD.

Ang mga community leaders naman dumalo ay ang mga sumusunod:

  1. Alvin Jimenez, Laban ng Masa;
  2. Joseph Martin, Pasang Masda;
  3. Atty. Aaron Pedrosa, SANLAKAS;
  4. Julius Panday, Partido Lakas ng Masa;
  5. Teddy Lopez, MATA Partylist;
  6. Joshua Mata, SENTRO;
  7. Obet De Castro, BAYAN;
  8. Renato Reyes Jr., BAYAN;
  9. Antonio Tinio, ACT Partylist; at
  10. Dominic Dilao, BMP.

Kaugnay nito, inatasan ni NCRPO chief, M/Gen. Vicente Danao ang lahat ng field commanders at mga police personnel na magiging bahagi sa event na maging alerto.