-- Advertisements --
jemboy baltazar

Hinihintay na lamang sa ngayon ng Philippine National Police ang commitment order na ilalabas ng Korte laban sa anim na pulis na sangkot sa mistaken identity case ng binatilyong si Jemboy Baltazar.

Ayon kay PNP Public Information Office chief PCOL. Jean Fajardo, ito ay upang malaman nila kung saang piitan dapat dalhin ang mga ito.

Sinabi ni Fajardo ang naturang pahayag kasunod ng boluntaryong pagsuko ng anim na mga dating pulis Navotas matapos na maglabas ng arrest warrant ang korte laban sa kanila kaugnay pa rin sa nasabing kaso.

Samantala, hangga’t wala pang natatanggap na commitment letter ang PNP ay sinabi ng opisyal na ibabalik na muna ang anim sa kustodiya ng Criminal Investigation and Detection Group sa Lucena City sa Quezon.

Kung maalala, una nang sinabi ni PNP-CIDG director PMGEN Romeo Caramat Jr. na kasalukuyan nang isinasailalim ngayon sa booking process at documentation ang naturang mga indibidwal para sa proper disposition.