-- Advertisements --
comelec chairman george garcia

Hihilingin ng Commission on Elections (Comelec) sa Kongreso na dagdagan ng P3 billion upang taasan ang honoraria ng mga guro na magsisilbi sa Barangay at Sangguniang Kabataan sa Oktubre ng kasalukuyang taon.

Umaasa si Comelec Chairman George Garcia na sa ikalawa hanggang ikatlong linggo ng Pebrero ay maipela ito sa Kongreso bago ang nakatakdang pag-adjourn ng Kongreso sa buwan ng Marso kayat dapat na kaagad aniyang maisulong ang panukalang supplemental budget.

Una ng sinabi ni Garcia na walang umento sa honoraria ng mga guro matapos na hindi pinaboran ang P10 billion na inirekomenda ng komisyon para sa naturang halalan matapos na ipagpaliban noong nakalipas na taon.

Ayon kay Comelec chair Garcia, mananatili ang ibibigay na honoraria na P6,000 para sa electoral board chairman, P5000 para sa mga miyembro at ang ibang precinct workers naman ay sa P4,000.

Nasa P2.7 billion ang karagdagang pondo na inaprubahan para sa Barangay at Sangguniang kabataan election.