-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Itinatag ng pamahalaang panlalawigan ang Isabela Command Center na siyang naka tutok sa covid 19 navigation.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty.Elizabeth Binang ang Provincial Information Officer ng pamahalaang panlalawigan ng Isabela sinabi niya na layunin nitong matukoy ang mga pinakamalapit na level 1 hospitals na maaaring puntahan o tunguhin ng mga pasyente.

Aniya may dalawang hotline numbers na minamanduhan ng mga health personnel ng IPHO ang maaaring tawaan ng publiko.

Para sa smart maaring tawagan ang 09685339913, 09162812091 para sa globe.