-- Advertisements --
garcia

Umaasa si Commission on Elections Chairman George Erwin Garcia na makakapagpasa na ang Kongreso ng early voting law para sa mga susunod pang halalan.

Ayon kay Garcia, naging matagumpay ang early voting pilot implementation sa dalawang lugar sa bansa, at marami ang mga nasiyahan sa maagang pagsisimula ng botohan.

Aniya, maaaring isagawa ang early voting sa buong bansa, lalo ngayon at naranasan na ng poll body na isagawa ito.

Umaasa ang opisyal na makakagawa ang Kongreso ng isang batas na mag-aatas o magbibigay-daan sa pagsasagawa ng early votong sa buong bansa kung saan mabibigyan ng pagkakataon ang publiko na makaboto ng mas maaga.

Paliwanag ng COMELEC Chair, dapat ay mabigyan ng pagkakataon ang mga vulnerable sector na maunang makaboto, kahit isang linggo bago ang halalan.

Nitong araw ng Lunes ng mismong saksihan ng COMELEC Chair ang implementasyon ng naturang programa kung saan tinawag niyang blockbuster ang naging resulta nito.