-- Advertisements --
COMELEC

Target ng Commission on Elections (Comelec) na resolbahin ang lahat ng nakabinbing disqualification cases para sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa susunod na linggo.

Ayon kay Comelec Chair Goerge Erwin Garcia, mayroon ng kasaulukuyang 125 disqualification cases na inihain para sa lokal na halalan.

Kayat asahan aniya na sa susunod na linggo mailalabas na ang desisyon mula sa mga dibisyon ng poll body at bago ang mismong araw ng halalan sa Oktubre 30, magtatanggal na ng mga pangalan sa listahan ng mga kandidato sa BSKE.

Tiniyak din ng Comelec chair na may mga nakalatag ding hakbang sakaling hindi man maresolba ang diqualification cases bago ang araw ng halalan.

Inihalimbawa ni garcia na sakaling kapusin aniya sa panahon, may kapangyarihan ng Comelec na suspendihin ang anumang proklamasyon kung ang isang kandidato ay may disqualification case at may merito ang kaniyang kaso.

Siniguro din nito sa publiko na walang magiging vaccum of leadership na tinatawag sakaling madiskwalipika ang magwawaging barangay kapitan dahil ang nangunang kagawad ang magiging avting barangay chairman.

Sa kasalukuyan, mayroong 12 kandidato para sa BSKE ang nadiskwalipika na ayon sa Comelec. Ang mga ito ay mayroong nagdaang kasong kriminal dahilan kayat hindi kwalipikado ang mga itong tumakbo para sa anumang lokal na posisyon.