Sinimulan na ng Commission on Elections (Comelec) ang pag-shutdowm sa Automated Election System (AES) at network infrastructure kasundo ng pagtatapos ng national at local elections sa bansa ngayong taon.
Paliwanag ni Comelec acting spokesperson John Rex Laudiangco na ito ay bahagi ng post-election procedures at mayroon din aniyang backing up procedure kasundo ng shutdown process.
Nilinaw din ng Comelec na isinagawa ito sa presensiya ng political parties at citizens arm ng poll body subalit hindi na ito ipinakita pa sa media para sa security reasons sa data centers.
Subalit ipapakita naman sa pamamagitan ng livestream sa social media accounts ng Comelec ang isinagawang pagshutdown sa automated election system.
Isinagawa ang pagshutdow ng AES sa Central Data center sa Bonifacio Gloal City sa Taguig, ang Transparency Data Center sa Sucat, Parañaque at sa Backup Data Center sa may Eastwood City Cyberpark, Quezon City.










