-- Advertisements --

Pinayagan ng Commission on Elections (COMELEC) ang Department of Labor and Employement (DOLE) na ituloy ang kanilang cash for work program kahit na umiiral ang election ban.

Sinabi ni Commission on Elections (Comelec) Chairperson George Erwin Garcia na mahalaga ang nasabing programa ng gobyerno at hindi ito puwedeng ipagpaliban ang ganitong programa ng national government para sa mga nawalan ng trabaho.

Mahigpit naman na pinaalalahanan ang mga kandidato ng Barangay elections na bawal silang makisawsaw.

Tanging mga kawani ng DOLE ang mamamahala sa programa at hindi maari ang mga kandidato.