Nilinaw ng Commission on Elections (Comelec) na maaari pa ring magpost sa social media ang mga supporters ng mga kandidato isang araw bago ang pinakaaantay na araw ng halalan bukas, Mayo 1.
Ayon sa Comelec hindi saklaw sa ipinagbabawal sa kampaniya ang mga Pilipino na patuloy na nagpopost ng suporta para sa kanilang napiling political candidates sa social media.
Paliwanag ni Comelec Commissioner George Garcia na ang illegal campaigning o non campaigning sa araw na ito ay applicable lamang sa mga kandidato at political parties.
Suablit, binigyang diin ng Comelec official na ibang usapin na aniya ang pagsasagawa ng house to house campaign ngayong araw na maaaring saklaw ng campaign prohibition.
Ang paglilinaw na ito ng Comelec ay may kaugnayan sa mga post ng mga supporters hinggil sa kanilang mga karanasan mula sa dinaluhang campaign rallies sa social media.
Nitong araw ng sabado ng nagsagawa ng miting de avance sa Metro Manila ang tatlong presidential candidates na sina Vice President Leni Robredo, Manila mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, at Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ayon sa orgnizers ng miting de avance ni VP Leni sa Ayala Avenue at Makati Avenue sa Makati City nasa 780,000 crowd ang dumalo habang nasa humigit kumulang sa 50,000 namang supporters ang dumalo sa inorganisang miting de avance ni Moreno sa Moriones, Tondo.
Ayon naman sa campaign team ni Marcos Jr. aabot sa million supporters ang dumalo sa event sa Parañaque City.
Nauna rito, nabigyan ng pagkakataon ang mga national candidates ng 90 araw para mangampaniya habang ang mga lokal na kandidato naman ay mayroong 45 araw na campaign period. Ang mga tumatakbo para sa government post ay mayroon na lamang hanggang ngayong araw ng linggo, Mayo 8 para manligaw sa mga botante.










