Iniulat ni Commission on Elections Spokesperson Rex Laudiangco na mahigit 2.3 milyong bagong botante ang nairehistro batay sa pinakabagong datos ng poll body.
Sinabi ni Laudiangco na noong Hulyo 21 — ang ika-16 na araw ng pagpapatuloy ng rehistrasyon ng mga botante — nakapagtala ang Comelec ng kabuuang 2,334,406 na bagong botante.
Hinati ni Laudiangco ang kabuuang bilang sa 1,456,699 mula sa 15 hanggang 17 na pangkat ng edad; 752,819 mula sa edad na 18 hanggang 30; at 24,888 mula sa 31 taong gulang pataas na age bracket.
Nakatanggap din aniya ang poll body ng 399,128 mula sa Barangay at 4,013 Sangguniang Kabataan (SK) applications to transfer mula sa ibang lungsod o munisipalidad.
Mayroong kabuuang 3,079,761 na aplikasyon ang naproseso noong Hulyo 21.
Samantala, mahabang pila ng mga aplikanteng botante ang nabuo sa labas ng mga tanggapan ng Comelec at satellite list-up centers ngayong araw, ang huling araw ng pagpaparehistro.
Ang Hulyo 23 ang huling araw para sa registration ng mga botante para sa halalan ng Sangguniang Kabataan at Barangay na itinakda sa Disyembre 5.










