-- Advertisements --
Plano ng Commission on Election (COMELEC) na magsulong ng batas para sa regulasyon ng social media at ang pagpigil sa paggamit ng mga internet trolls tuwing may halalan.
Sinabi ni Commissioner George Garcia, na dahil sa kulang pa ang batas sa bansa laban sa social media ay hindi rin sila makagawa ng hakbang.
Target nila na idulog ito sa kongreso ang paghihigpit sa social media at trolls kahit tuwing halalan lamang.
Kanila ding hihikayatin ang mga mambabatas na magpasa ng batas na naghihigpit sa mga paggamit ng social media ganun din sa mga trolls tuwing halalan at kampanyahan.