-- Advertisements --

Nagbabala ang Commission on Elections (Comelec) sa publiko laban sa kumakalat na advisory na nag-aanyaya sa partikuar na party-list nominees para dumalo sa oath-taking ceremony.
Sa isang statement, mariing itinanggi ng Comelec ang kumakalat na advisories na inisyu umano ng Education and Information Department.
Ipinunto ng poll body na ang mga pagkakamali sa pekeng notice kung saan ito ay post-dated at gumamit ng lumang logo ng naturang departamento.
Binigyang diin pa ng poll body na ang pekeng advisories na layunin lamang niton linlangin at i-disinform ang publiko.
Kung kayat pinaalalahanan ng Comelec ang publiko na manatiling mapagmatyag at maging wais upang hindi mabiktim ng maling impormasyon.










