-- Advertisements --

Mahigpit na pinaalalahanan ng Commission on Elections (Comelec) ang mga kandidato sa May 2022 elections na tumatanggap ng mga campaign donations mula sa ibang bansa.

Sinabi ni Comelec commissioner Rowena Guanzon na mahigpit kasing ipinagbabawal ang mga kontribusyon mula sa dayuhan at mga foreign corporations.

Pahayag ito Guanzon sa inilunsad na crowdfunding page para kay Vice President Leni Robredo na tatakbo bilang pangulo ng bansa.

Dapat aniya ay i-report ang nasabing mga kontribusyon mula sa dayuhan dahil maaaring masampahan sila ng kaso na magreresulta sa diskwalipikasyon ng isang kandidato.