-- Advertisements --

Mayroon na umanong makatwirang kontrobersiya para maghain ng kaso laban sa Commission on Elections dahil sa pagtanggap nito ng mga lagda mula sa people’s initiative para amyendahan ang Saligang Batas ayon kay Senator Minority Leader Aquilino Pimentel.

Aniya, ang mga kaso ay nakadirekta sa poll body dahil sa pagtanggap sa mga lagda mula sa isang hindi kilalang entity at isinagawa ang kanilang ministerial duty na pagbibilang sa mga lagda.

Nang tanungin kung saan maaaring ihain ang mga kaso, sinabi ng Senadrro na maaari sa mismong Comelec para matigol kung ang kanilang ginagawa o sa Korte Suprema para pagbawalan ang komisyon mula sa kanilang ginagawa sa ilalim ng kanilang justification ng ministerial duty.

Una ng inihayag ni Sen. Pimentel ang kaniyang opinyon matapos maglabas ng isang manifesto ang Senado laban sa people’s initiative kahapon, Enero 23 na nilagdaan ng lahat ng 24 na Senador.