-- Advertisements --
Itinanggi ni Commission on Elections (COMELEC) Spokesperson James Jimenez na disqualified na para tumakbo sa pagkapangulo si Vice President Leni Robredo.
Sinabi nito na mga fake news ang lumabas na balita sa ilang social media accounts.
Lahat aniya ng mga partido ay wala pang paglabag dahil wala pa silang mga opisyal na kandidato.
Bago kasi ang anunsiyo ni Robredo na tumakbo sa pagkapangulo ay inindorso na siya ng mga opposition coalition an 1Sambayan, Akbayan party-list at ilang mga grupo.