-- Advertisements --

Isinailalim ng Commission on Elections (Comelec) sa red category ang bayan ng Pilar sa lalawigan ng Abra.

Kasunod ito ng naganap na shooting incident sa nasabing lugar na nagbunsod naman ng pagkasawi ng bodyguard ni Pilar Vice Mayor Jaja Josefina Somera Disono.

Ayon kay Comelec Committee on the Ban on Firearms and Security Concerns (CBFSC) Commissioner Aimee Ferolino, isang sensitibong usapin ang paglalagay ng isang lugar sa ilalim ng kontrol ng Comelec.

Ito ang dahilan kung bakit kinakailangan na ibatay ng komisyon ang kanilang magiging desisyon sa mga formal reports ng mga deputy in charge sa security, peace and order.

Aniya, kasabay nang pag-aanunsyo ng Comelec na ilagay sa red category ang nasabing lugar ay ang patuloy nilang pagbeberipika sa mga ulat na kanilang natanggap hinggil sa nasabing insidente.

Samantala, nakatakda namang pagpasyahan ng committee ang isyung ito sa Comelec control sa oras na matanggap na nila ang resulba ng mga validation reports sa susunod na pagpupulong ng CBFSC.