Inirekomenda ng isang opisyal ng Commission on Elections (Comelec) ang pagbabawal ng withdrawal ng kalahating milyong piso na cash mula sa mga bangko para matugunan ang talamak na vote buying sa bansa sa kasagsagan ng eleksiyon.
Ito ay matapos na ihayag ng National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL) sa Senate electoral reforms committee investigation ngayong araw ang umano’y insidente ng vote buying sa nagdaang May 9 elections.
Bilang tugon, sinabi ni Comelec Commissioner Rey Bulay na kailangan na magkaroon ng access ang mga kapulisan at election officers sa mga lugar kung saan nagaganap ang vote buying at ipinaliwang na pinagbabawalan ang mga ito na pasukin ang isang pribadong residence o properties kapag walang hawak na search warrant na inisyu ng korte kung saan sa mga lugar na ito nangyayari umano ang vote buying.
Dapat din aniya na isama ang lower courts sa inter-agency task force upang matugunan ang laganap na vote buying.
Inirekomenda din ni Commissioner Garcia na dapat na ipagbawal ang pag-withdraw ng P500,000 pataas 10 araw bago ang halalan.
Ginawa nito ang naturang rekomendasyon matapos na makatanggap ng report hinggil sa malaking halaga ng pera na winithdraw sa Ilocos Sur base sa report mula sa Anti-Money Laundering Council (AMLC).
Samantala, inihayag naman ni Comelec Chairman Saidamen Pangarungan sa Senate panel ang pag-prosecute at pag-convict sa mga indibidwal na sangkot sa vote buying cases at inirekomenda ang pagpataw ng mas mahigpit na penalty laban sa mga sangkot na personalidad.
Sa kasalukuyan, ayon kay commissioner garcia, nakatanggap ang Comelec’s Task Force Kontra Bigay ng nasa 940 complaints sa kanilang FB page at 171 mula sa kanialng official email habang ang Comelec Law Department naman ay mayroong 105 reports na natanggap at 12 ang verified reports may kaugnayan sa vote buying.
-- Advertisements --