-- Advertisements --
Pinanguhana ni Commission on Elections chairman George Garcia at Commissioner Ernesto Maceda Jr. ang voters registration sa Pag-Asa Island sa Kalayaan, Palawan.
Nasa 50 residente ang pumila at nagparehistro.
Ang ilan sa kanila ay bagong rehistrado lamang habang ang iba ay nag-apply para mailipat ang kanilang registration mula sa ibang munisipalidad ng Palawan.
Mayroong mahigit 500 na registered voters ang nasabing lugar.
Sinabi ni Garcia na ang pagbisita nila sa nasabing isla ay nagpapakita ng kahalagahan ng voter’s registration at hinihikayat ang mga Pinoy na makibahagi sa botohan.