-- Advertisements --

colombo2

Nagpulong sina PDEA DGen Wilkins Villanueva at Thom Browne, Chief Executive Officer ng Colombo Plan Secretariat ng mag-courtesy call ito sa PDEA National Headquarters sa Quezon City.

Napag-usapan sa nasabing pulong ang gagawinh future collaborations and partnerships para ma-mitigate ang drug problem sa bansa.

Sa panig ni Villanueva tinalakay nito kay Mr Browne ang konsepto at mga detalye hinggil sa kanilang Barangay Drug Clearing Program (BDCP), na siyang main framework ng PDEA’s anti-drug strategy sa pagtugon sa drug problem sa bansa.

Magtutulungan ang PDEA at PNP para tapusin ang problema sa illegal na droga bago pa man bumaba sa pwesto si Pang. Rodrigo Duterte.

Sa panig ng PNP muling inilunsad nito ang Double Barrel Finale na siyang end game sa kanilang kampanya laban sa illegal drugs.

Kasama ni Browne na nakipag pulong sa PDEA si Ms. Therese Cambe Castillo, Project Manager, The Colombo Plan – Drug Advisory Programme.