-- Advertisements --

Nahalal bilang Bise President ng Colombia si Fancia Marquez.

Si Marquez na isang single mother at dating kasambahay ay siyang magiging kauna-unahang black woman vice president ng nasabing bansa.

Makakasama nito na nagwagi ang tandem niya si Gustavo Petro na nagwagi sa pagkapangulo.

Kapwa nakakuha ang 50.4% na boto ang dalawa sa naganap na halalan nitong Linggo.

Pinasalamatan nito ang mga supporters na tumulong para ito ay maluklok sa puwesto.

Galing sa bayan ng Suarez, Cauca province na naging environmental activists na komokontra sa gold mining.