NEGROS ORIENTAL – Sa ikalawang araw ng filing ng Certificate of Candidacy, nagsumite na ng kanyang kandidatura kaninang umaga si Col Rey Lopez para sa idaraos na special election sa 3rd district ng Negros Oriental para sa nabakanteng posisyon ng pinatalsik na kongresistang si Arnolfo Teves Jr.
Kasama ni Lopez ang kanyang asawa at mga campaign staff sa paghahain ng kanyang Certificate of Candidacy.
Si Lopez nga ang pinakauna at siya pa lamang ang naghain ng kanyang kandidatura para sa nasabing special election na isasagawa ngayong Disyembre 9.
Matatandaan na si Col. Lopez ay tumakbo para sa nasabing posiyon noong nakaraang halalan laban sa napatalsik na kongresistang si Arnolfo ‘Arnie’ Teves Jr.
Maliban sa kanya, malalaman naman hanggang sa Nobyembre 11 kung sinu-sino pa ang ibang mga tatakbo na kandidato para sa special election matapos pinalawig pa ng Commission on Election ang paghahain ng certificate of candidacy na magtatapos na sana bukas, Nobyembre 8.
Nauna na ring lumutang ang mga pangalan nina Pamplona Mayor Janice Degamo at dating gobernor Henry Pryde Teves na tatakbo rin sa nasabing posisyon ngunit hindi pa nagtungo sa tanggapan ng COMELEC ang mga ito para magsumite ng kanilang COC.