-- Advertisements --
Kinumpirma na ng actor na si Coco Martin na magnobya na sila ng actress na si Julia Montes sa loob ng 12 taon.
Ito ang unang pagkakataon na inamin ng actor ang tunay na ugnayan nila ng actress.
Dagdag pa nito na nais nilang maging pribado ang kanilang relasyon kaya naitago nila sa publiko ng ganitong katagal.
Umaasa ito na magkaroon sila ng parehas na project gaya ng pagsasama sa pelikula.
Taong 2011 ng maugnay ang actor sa actress matapos ang kanilang pagsasama sa pelikula.