-- Advertisements --

Matapos ang ilang araw na makasama sa practice ng Gilas, sinabi ni Head Coach Chot Reyes na may ilang mga pagbabago na siyang nakita sa play style ni Jordan Clarkson.

Ayon kay Reyes, ang kasama nilang Clarkson sa ngayon ay isang ‘much-improved Jordan’ mula sa dati nilang nakasama sa nakalipas na kampanya ng Gilas para sa FIBA.

Nakikita umano ng batikang coach ang improvement sa laro ni Clarkson, lalo na sa bilidad nitong makisama sa mga kapwa players.

Gayonpaman, naniniwala naman ang opisyal na masyadong maaga pa upang magbigay ng kabuuang assesment o evaluation ukol sa inkorporasyon o pagsasama ni Clarkson sa buong Gilas team.

Ayon sa batikang Coach, may mga bagong players ngayon ang Gilas na hindi pa nakasama ni Clarkson sa nakalipas nilang kampanya noong nakaraang taon.

Kinabibilangan ito nina June Mar Fajardo, Rhenz Abando, at AJ Edu.

Sa kabila nito, naniniwala ang batikang coach na madali lamang para kay Clarkson na mag-adopt sa laro ng buong koponan.