Arestado sa Pampanga ang isa pang suspek na sangkot umano sa kasong qualified trafficking in persons laban kay dating Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque at Cassandra Ong.
Ang suspek ay kinilalang na si “Mariano,” isa sa 49 na co-accused nina Roque at Ong.
Ayon sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), inaresto si Mariano sa Clark, Pampanga noong Sabado. Si Mariano ay isa sa mga security guard na naka-duty nang mangyari ang umano’y trafficking sa Lucky South 99 Outsourcing Inc., isang Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa Porac, Pampanga.
Pinayuhan ni CIDG Director Police Major General Nicolas Torre III ang iba pang mga co-accused na sumuko na dahil patuloy ang operasyon ng mga tracker teams na nagha-hanap sa kanila.
Matataandaan na ang mga arrest warrant laban kay Roque, Ong, at ibapang sangkot sa krimen ay inisyu ng Regional Trial Court ng Angeles City noong Mayo 15, 2024.
Una rito noong Mayo 22, nahuli rin si “Marlon,” isa pang co-accused, sa isang entrapment operation sa Mabalacat City, Pampanga.
Samantala, pinabulaanan ni Roque ang mga paratang, sinabing hindi siya kailanman naging abogado ng anumang ilegal na POGO at hindi rin siya abogado ng Lucky South 99. Ayon sa kanya, sinamahan lang niya si Ong sa isang meeting dahil akala niya ay biktima ito ng estafa.
Si Roque ay kasalukuyang humihingi ng asylum sa Netherlands.