GENERAL SANTOS CITY – Mistulang naging ghost town ang General Santos City sa matapos na ipatupad ang total lockdown sa lungsod.
Ang total lockdown ay nakapaloob sa executive order No. 24 na inilabas ni GenSan Mayor Ronnel Rivera kung saan ipapatupad lamang tuwing araw ng Linggo.
Nakasaad din dito na hindi maaring gamitin Home Quarantine Pass (HQP) tuwing linggo maliban na lamang kapag magkaroon ng emergency.
Hindi sakop sa lockdown na ito ang mga frontliners.
Samantala, sisimulan naman ngayong araw ang pagpapatupad ng clustering ng mga barangay.
Ang 26 barangay sa General Santos City ay hahatiin sa tig-12 kung saan hindi na maaring lumabas ang mga residente o tumawid sa kabilang cluster ang mga residente ng barangay.
Bukod dito, sisimulan na rin ngayong araw ang odd-even schemes para sa sasakyan kung saan ang mga may plaka na nagtatapos sa odd numbers ay papayagan lamang bumiyahe ng Lunes, Miyerkules at Biyerner.
Ang nagtatapos naman sa even numbeers ay papayagang makabiyahe tuwing Martes, Huwebes at Sabado.
Hindi naman sakop sa odd-even scheme ang mga ambulansya, firetruck, patrol ng mga pulis, at military vehicles, pati na rin ang mga nagdadala ng medical supplies at pagkain.