-- Advertisements --
Naging matagumpay ang operasyon na pinagdaanan ni Los Angeles Clippers star forward Kawhi Leonard.
Ito ay matapos na magtamo ng injury si Leonard sa Game 4 ng Western Conference semifinals laban sa Utah Jazz.
Ayon sa Los Angeles Clippers, knee sprain ang nangyari kay Leonard pero pinangangambahan naman ito na baka ACL injury pala ito.
Magugunitang hindi na nakapaglaro si Leonard sa postseasn ng Clippers, kabilang na ang halos kabuuan ng Western Conference finals, kung saan natalo sila sa Phoenix Suns.