-- Advertisements --

Tinalakay sa unang pagkakataon ng mga world leaders sa unang araw ng United Nations COP 27 climate summit sa Egypt ngayong taon ang isang sensitibong isyu sa pag-compensate ng mayayamang bansa sa mahihirap na bansa para matugunan ang epekto ng global warming.

Sinabi ni COP27 President Sameh Shoukry sa plenaryo na ang kick off ng dalawang linggong United nations conference ngayong taon na dinaluhan ng mahigit 190 bansa, na ang naturang desisyon ay lumikha ng isang institutionally stable space para sa pagtalakay sa funding arrangements.

Ayon sa COP27 President na hindi magagarantiya ang compensation o liability ng naturang loss and damage discussions ngayon sa COP27 agenda subalit target nito na makamit ang konklusyon dito ng hindi lagpas sa taong 2024.

Ang giyera sa Ukraine, mataas na energy prices at banta ng economic recession ang mga factors kung bakit reluctant ang mga ito na mangako ng pondo para matulungan ang mahihirap na bansa.

Una rito, hindi pinaburan ng mayayamang bansa ang proposal para sa loss and damage financing body sa COP26 sa Glasgow noong 2021 sa halip ay piniling magsagawa ng funding dialogue sa loob ng tatlong taon.

Ang COP 27 ay nagsimula nitong Linggo, Nobieymbre 6 hanggang sa Nobiyembre 18, 2022.