-- Advertisements --

Nagpaliwanag si Chief Justice Lucas Bersamin sa naging desisyon ng Supreme Court (SC) sa petisyong humihirit na magkaroon ng same sex marriage sa bansa.

Ayon kay Bersamin, hindi umano ibinasura ang petisyon dahil sa isyu kung pinapayagan ba o prohibited ang same sex marriage.

Giit niya, ibinasura ito dahil wala namang actual controversy sa petisyon na inihain noon ni Atty. Jesus Nicardo Falcis III na sumalang pa sa oral argument.

Wala rin umanong standing si Falcis dahil hindi naman ito nag-apply para ikasal.

Maalalang kahapon sa ipinatawag na press conference ng Korte Suprema, inihayag ni SC Spokesman Brian Hosaka na sa botong 15-0 ay tuluyan nang ibinasura ng kataas-taasang hukuman ang hirit ni Falcis.