-- Advertisements --
cj bersamin

Inamin ngayon ni Supreme Court (SC) Chief Justice Lucas Bersamin na gusto talaga niyang i-delay ang election protest ni dating Sen. Bongbong Marcos laban kay Vice President Leni Robredo.

Ayon sa punong mahistrado na magreretiro na sa Biyernes, ayaw daw kasi niyang kasama siya sa botohan dahil na rin sa mga espekulasyon sa media.

Muli namang iginiit ni Bersamin na hindi niluto ang pagpapalabas ng aksiyon sa electoral protest.

Sinabi ito ni Bersamin kasabay ng launching ng kanyang coffeetable book ngayong hapon lamang.

Maalalang imbes na desisyunan ang poll protest ng dating senador ay ipinag-utos na lamang ng SC en banc na padalhan ang magkabilang kampo ng kopya ng committee report ng resulta ng bilangan.

Partikular dito ang Camarines Sur, Iloilo at Negros Oriental.