-- Advertisements --

Inanunsiyo ng pamunuan ng Civil Service Commission (CSC) na tumatanggap na sila ng aplikasyon para sa March 26, 2023 Career Service Examination-Pen and Paper Test for Professional and Subprofessional Levels.

Ayon kay Civil Service Commission (CSC) Chair Karlo Alexie Nograles na simula December 22, 2022 hanggang January 25,2023 tatanggap sila ng aplikasyon.

Mayruon din itinakdang special application period ang CSC na nakatakda sa December 14 hanggang sa December 21, 2022 para sa mga examinees na kinansela nuong March 15, 2020 CSE-PPT na pinili na hindi kunin ang refund at kumuha na lamang ng exam sa March 26,2023.

Binigyang-diin ng Civil Service Commission (CSC) na ang mga aplikasyon ay tatanggapin nila on a first-come, first-served basis at kapag puno na ang slots posibleng itigil na ng mga CSC Regional or Field Office na tumanggap ng mga aplikasyon bago ang itinakdang deadline.

Positibo naman si Nograles na magkaroon ng malaking turnot sa mga examinees sa susunod na taon.

Sinabi ni Nograles na nagtalaga ang CSC ng 86 testing centers para sa March 2023 examination kayat mas marami ang ma-accomodate na mga examinees at mas maraming testing center na mapagpipilian.

Inatasan din ni Nograles ang lahat ng CSC Regional and Field Offices na maghanda para sa pagdagsa ng mga aplikante simula sa unang araw ng filing, lalo na’t marami pa rin sa ating mga kababayan ang nag-aasam na makakuha ng eligibility at makapagsilbi sa pamahalaan.

Pinayuhan din ni Nogralez ang mga interested applicants na huwag nang hintayin ang huling linggo o huling araw ng pagpa-file ng application dapat ngayon pa lamang maaari ng makipag-ugnayan sa mga CSC Regional at Field Offices upang malaman ang mode of filing at procedures na angkop sa kanilang lugar.