Magsasagawa ng isang online government job fair ang Civil Service Commission (CSC) kasabay ng pagdiriwang ng ika isang daan at dalawamput dalawang Philippine Service Anniversay.
Sinabi ni CSC Commissioner Atty. Aileen Lizada, isasagawa ang 2022 Government Online Career Fair sa pakikipagtulungan ng jobstreet.com mula September 19 hanggang 23.
Aabot sa 133 mga government agencies ang lalahok sa government job fair kung saan maaaring mag-apply online ang mga nais maghanap ng trabaho sa pamamagitan ng jobstreet.com.
Hinihikayat naman ng CSC ang iba’t ibang mga government agencies sa buong bansa na ipaskil ang kanilang vacant job position sa website.
Sa mga jobseekers, hinihikayat silang magparehistro sa jobstreet.com at magtungo sa Government Online Career Fair microsite.