-- Advertisements --

Hinimok ng Civil Service Commission (CSC) ang ibang ahensya ng pamahalaan na palakasin ang kanilang kampanya laban sa mga karahasan sa mga Kababaihan.

Ayon kay CSC Chairperson Karlo Nograles, dapat paigtingin ng government agencies ang mga pagsisikap nito na proteksiyonan ang mga kababaihan sa public sector laban sa anumang uri ng gender-based violence.

Batay kasi datos na inilabas ng United Nations, nasa mahigit 30 percent na ang mga kababaihang nakakarananas ng karahasan ang nananahimik na lamang at hindi humihingi ng tulong sa mga awtoridad.

At ang mga kababaihang ito ay mas pinipiling sa mga kapamilya o kaibigan maglabas ng kanilang mga kwento ng kanilang karanasan.

Dahil dito, nanawagan si Nograles sa mga Human Resource Management officers ng iba’t ibang mga ahensya ng pamahalaan na palakasin pa ang kanilang Committee on Decorum and Investigation (CODI) upang matugunan ang sexual harassment sa sektor ng pamahalaan.