-- Advertisements --

Inatasan ng PNP Command Group ang CIDG-NCR na i-confine ang kanilang mga tauhan sa kanilang tanggapan sa Camp Crame bilang precautionary measure sa posibleng panganib sa COVID-19.

Ito ay matapos na maiulat ang pagkamatay ng isang pulis ng Manila CIDG na si S/Sgt. Roderick Taca na pinaghihinalaang dahil sa COVID.

Ayon kay NCRPO chief Maj. Gen. Debold Sinas habang hindi pa lumalabas ang resulta ng COVID test kay Taca, bilang precautionary measure ay lahat ng Manila-CIDG personnel ay confined din sa kanilang tanggapan.

Inaasahan aniya na sa Martes March 17 lalabas ang resulta ng test.

Kung sakali aniya na magpositibo sa Covid-19 si Taca, ay tuloy-tuloy na ang quarantine sa mga tauhan ng Manila CIDG, para ma-monitor ng MPD Health Service.