-- Advertisements --

Muli na namang dinomina ng veteran point guard na si Chris Paul ang laro upang dalhin ang Phoenix Suns sa ikalawang sunod na panalo sa Game 2 ng NBA Western Conference semifinals sa score na 129-109.

Sa ngayon abanse na sa 2-0 record ang Suns sa kanilang best-of-seven series.

Nagtala ang 12-time All-Star na SI Paul ng 28 points, kabilang ang 14 na puntos sa isa na namang spectacular final period nang ilampaso nila ang Mavs.

Sinasabing ang performance ng 37-anyos na si Paul ay nahirapan pa rin ang Mavs na tapatan ang kanyang all-around game.

Nanguna naman sa opensa ng Suns si Devin Booker para maging daan sa paglaki pa ng kalamangan sa kanyang kabuuang 30 puntos kabilang na ang limang pumasok na three-pointers.

Sa kampo ng Mavs muling nasayang ang ginawa ng kanilang superstar na si Luka Doncic na may kabuuang 35 points.

Tatangkain namang makabawi ng Mavs sa Game 3 sa darating na Sabado.