-- Advertisements --

Ikinasal na ang actor na si Chris Evans sa actress na si Alba Baptista.

Ayon sa kampo ng actor na ginanap ang pag-iisang dibdib sa kanilang bahay sa Boston.

Tanging mga malalapit na kaibigan at mga kaanak ang naimbithan.

Taong 2021 ng pormal na isapubliko ng dalawa ang kanilang relasyon at noong nakaraang taon ay nagsama na sila.

Bumuhos naman ang pagbati mula sa Hollywood celebrities matapos na pumutok ang balita.