Suportado ng Commission on Human Rights (CHR) ang isang panukalang batas na magbibigay ng panghabambuhay na bisa para sa mga identification card (ID) ng mga taong may kapansanan tulad ng mga may permanent physical, mental, intellectual, or sensory impairments.
Ang panukalang batas ay nasa ilalim ng House Bill 8440 na inihain ni Cagayan de Oro City Rep. Lordan G. Suan.
Humingi ito ng pag-amyenda sa Republic Act No. 7277, ang Magna Carta for Disabled Persons.
Ang RA 7277 ay nagtatakda sa ID ng mga taong may kapansanan na magkaroon ng five years validity mula sa issue date nito.
Upang ma-renew ang kanilang mga ID, ang mga Person with disabilities ay kinakailangang magsumite ng mga requirements.
Ito ay ang application form, katunayan ng medical condition at ang bayad sa renewal fee.
Dagdag dito, sinabi ng CHR na kailangan ang limang taong validity para ma-update ang kanilang status at masuri ang mga benepisyong matatanggap ng mga may kapansanan.
Ipinaalala ng nasabing komisyon na ang Convention on the Rights of Persons with Disabilities (CRPD) ay nagpapatunay na ang lahat ng indibid