-- Advertisements --

Magsasagawa ng sariling imbestigasyon ang Commission on Human Rights (CHR) sa pagkamatay ng 24-anyos na si John Matthew Salilig dahil sa hazing.

Ayon sa CHR na kanilang kinokondina ang anumang uri ng pananakit pisikal man o psychological.

Hindi aniya naayon sa makataong pamamaraan ang hazing o anumang kahalintulad nito.

Maliwanag aniya na ang pagkasawi ni Salilig ay isang uri ng paglabag sa karapatang pantao.

Magugunitang ilang persons of interest na ang inaresto ng mga kapulisan kung saan ang iba ay kamag-aral ng biktima sa Adamson University.

Kinondina rin ng Tau Gamma Phi Fraternity ang nasabing insidente.

Natagpuan ang bangkay ng biktima sa bakanteng lote sa Cavite matapos ang isang linggo na ito ay naiulat na nawawala.