-- Advertisements --

Nanawagan ang Commission on Human Rights sa pamahalaan na resolbahin ang mga pagpatay sa mga abogado sa bansa.

Ginawa ito ni CHR spokersperson Atty Jacqueline de Guia matapos na mapatay ang isang abogado sa Nueva Ecija noong Huwebes sa harap mismo ng mga kliyente nito.

Ayon kay De Guia, ang pagpaslang kay Atty Bayani Dalangin at sa iba pang mga abogado ay dapat lamang bigyan nang sapat na atensyon ng mga awtoridad.

“The increasing number of violent attacks against and extra-judicial killings of lawyers in the Philippines demand serious attention and concern from the government and the people,” ani De Guia.

“These grave threats and attacks impair the ability of lawyers and other members of the justice sector to provide effective legal representation and hamper them to freely exercise their profession. Lawyers working on sensitive and high-profile cases face reprisals and are constantly wary of their safety and independence,” dagdag pa nito.

Base sa mga reports mula sa Talavera, Nueva Ecija police, binaril-patay si Dalangin, 73-anyos, sa kanya mismong opisina ng hindi pa rin nakikilalang suspek na lulan ng isang motor.

Iginiit ni De Guia na ang pag-atake na ito ay may epekto sa legal situation sa bansa gayong ang nadidiskaril ang karapatan ng mga kliyente ng napaslang na mga abogado sa karapatan na patas na paglilitis.