Ipinakita ni Parokya ni Edgar frontman Chito Miranda ang suporta niya sa K-pop artsist at ipinagtanggol nito ang mga K-pop fans.
Ito ay matapos na batikusin ng isang netizen ang grupong BTS at Blackpink onilne.
Ibinahagi nito sa Facebook page ng band ang conversation niya sa isang netizen at hinamon pa ng singer ang mga fans ng BTS at Blackpink na magalit sa nasabing netizen.
Sinabi nito na dapat huwag magalit sa anumang gustong musika na pakinggan ng isang tao.
Bawat isa aniya ay mayroong kaniya-kaniyang trip na musikang nais pakinggan.
Magugunitang inihayag ng dating beauty queen na si Imelda Schweighart na hindi siya sang-ayon sa mga Filipino fans ng Kpop at sa halip aniya ay dapat suportahan na lamang ng mga Filipino ang mga local music industry.