-- Advertisements --
Naturukan ng COVID-19 na gawa sa sariling bansa nila si Chinese President Xi Jinping at ilang mga opisyal nito.
Ayon kay deputy head of the National Health Commission (NHC) Zeng Yixin, na lahat ng mga kasalukuyang state at party leaders ay nabakunahan na.
Bukod kay Xi ay naturukan sina Premier Li Keqiang at ilang mga senior leasders.
Hindi naman nito binanggit kung kailan isinagawa ng Chinese official ang nasabing pagtuturok ng bakuna.
Isinagawa ang anunsiyo matapos ang muling pagsipa ng bilang ng mga nadadapuan ng COVID-19.