-- Advertisements --
Binalaan ni Chinese President Xi Jinping ang sinumang kumukuwestiyon sa kanilang zero-COVID policy.
Marami kasi ang hindi kuntento sa isinagawang lockdowns at may negatibong epekto ito sa ekonomiya.
Isinagawa nito ang babala sa pagpupulong na kaniyang pinangunahan.
Tiniyak naman ng supreme Politburo Standing Committee ng Communist Party na sila ay tatalima sa ipinapatupad na panuntunan ng kanilang gobyerno.
Ito ang unang pagkakataon na nagsalita si Xi tungkol sa paglaban ng gobyerno sa COVID-19.